Header Ads

Panelo slams Trillanes:'Bago mo sabihan ng corrupt at mamamatay tao ang Pangulo,tingnan mo muna sarili mo'



Panelo kay Trillanes: 'Tingnan muna ang sarili' Binigyang-diin ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na bago mang-akusa ay dapat tingnan muna ni Sen. Antonio Trillaves IV ang sarili.


Buwelta ito ni Sec. Panelo matapos ihayag ni Sen. Trillanes na hindi lang mamamatay-tao si Pangulong Rodrigo Duterte kundi isa din umano itong corrupt na opisyal. 

Sinabi ni Atty. Panelo na sarili mismo ni Trillanes ang pinatutungkulan nito nang sabihin niyang corrupt ang Pangulong Duterte. 

 Ayon kay Panelo, dapat alam ni Trillianes kung ano ang pinagsasabi nito at ipaliwanag sa publiko ang mga kaduda-dudang biyahe nito sa China noong panahon ng Aquino administration. Kaugnay naman sa sinabi ni Trillanes na mag-reresign bilang senador kung hindi totoo ang mga sinabi nito laban sa pangulo, sinabi ni Atty. Panelo na dapat magbitiw na agad ito dahil hindi siya karapat-dapat na maluklok sa puwesto. [source]

No comments

Powered by Blogger.