Header Ads

LACSON NANINIWALA NA MAGTATAGUMPAY NGAYONG 2017 SI DUTERTE LABAN SA KORUPSYON



NANINIWALA si Senador Panfilo Lacson na magiging matagumpay ngayong taon 2017 si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa korupsyon sa gobyerno at maging sa pribadong sektor.

Sinabi ni Lacson na sa katauhan ni Pangulong Duterte na may political will garantisado na magtatagumpay ito laban sa korupsyon at ang gusto nitong mangyari sa gobyerno ng Duterte administration.
Aniya, sakaling mabura ang korupsyon tiyak na maraming magagandang bagay at tagumpay ang magaganap sa bansa.
Magugunita na nauna ng sinabi ng senador na umaasa ito na ngayong 2017 ay iiwanan na ni Pangulong Duterte ang kanyang mga nakagawian at mas tututok ito sa pagdevelop ng magagandang katangian bilang pangulo.
Iginiit pa ni Lacson na maaring iresearch ng pangulo sa google kung paano maging tunay na statesman.
Binigyang diin din ng senador na mahal nito ang bansa kaya nais nitong magtagumpay si Pangulong Duterte sa mga plano ng lider para sa ikabubuti ng mga nakakaraming kababayan.
Binanggit pa ni Lacson na sana ay gawing role model ni Pangulong Duterte ang nakamit ng bansang Singapore basta't walang deklarasyon ng batas militar na magaganap sa Pilipinas. [source]

No comments

Powered by Blogger.