Header Ads

Mga Artista Hindi Dapat Exempted Sa Anti-drug Campaign says Alfre Vargas




Suportado ng dating aktor at ngayo’y Quezon City Rep. Alfred Vargas ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng Philippine National Police o PNP hinggil sa mga artistang posibleng sabit sa ilegal na droga.

Ayon kay Vargas, ang droga ay walang pinipiling biktima, mayaman man o mahirap, aktor man o ordinaryong tao.

Giit ni Vargas, ang showbiz personalities ay hindi dapat exempted sa anumang pagsisiyasat o kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.



Kwento ng mambabatas, personal niyang nasaksihan ang sitwasyon ng iba’t ibang mga taga-showbiz, ang ilan ay kaibigan pa umano niya, na nasimot ang pera, nasira ang karera at naperwisyo ang buhay nang dahil sa ilegal na droga.

Binigyang-diin ni Vargas na isang pribilehiyo na maging isang aktor, at marapat na gamitin para maka-inspire at magpasaya sa publiko.


Apela nito sa mga kapwa aktor, lalo na ang mga lulong sa droga hanggang ngayon, huwag sayangin ang pagkakataon na makapasok at maglingkod sa industriya.

Umaasa naman ang Kongresista na sa ongoing probe ng PNP, kahit papaano ay matatakot na ang ilang mga artista o mahihimok na umalis na sa pagkakasangkot sa drugs at mabagong buhay. [source]

No comments

Powered by Blogger.