Header Ads

10 Anyos Pinakabatang Adik Sa Shabu Ang Lumabas sa Tala ng Dangerous Drug Board




Lumalabas sa tala ng Dangerous Drugs Board (DDB) na ang pinakaba­tang gumagamit ngayon ng shabu sa bansa ay 10 taong gulang samantalang 6 taong gulang naman ang pinakabatang sugapa sa rugby.

Sa pagdinig ng Se­nate committee on finance kahapon, isinalang ang panukalang budget ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Games and Amusement Board (GAB) at DDB kung saan naungkat ang problema ng gobyerno tungkol sa ilegal na droga.



Sa tanong ni Sen. Sherwin Gatchalian sa DDB kung gaano kaaga o kabata ang gumagamit ng shabu, sinabi ni DDB chairman, Sec. Benjamin Reyes na 10-anyos ang pinakabatang adik sa shabu habang 6-anyos sa rugby.

Sa survey ng DDB, kalimitan ay kaibigan ang nagsusulsol sa paggamit ng shabu sa mga batang biktima at ginagawa rin ang shabu session sa bahay ng kaibigan. Mismong magulang umano ang nagpapagamit naman ng rugby sa mga batang nasa 6 taong gulang kapag sila ay nagugutom na kalimitan ay mga nakatira lamang sa kalye.
 
Dahil dito, hiniling ni Sen. Loren Legarda ang profile ng kahit isang pamilya lamang kung saan mismong ang magulang ang nagpapagamit ng rugby sa kanilang anak. Aniya, dapat maipaalam sa magulang ang mga programang maaaring ibigay sa kanila ng gobyerno.

Samantala, posibleng umabot sa P4 bilyon ang pondong kakailanganin upang maipagpatayo ng rehabilitation facilities ang mga sumukong gumagamit ng illegal na droga. Ani Reyes, para makapagtayo lamang ng isang 100-bed facility, manga­ngailangan ng P144 mil­yong pondo.

Sinuportahan naman ni Sen. Juan Miguel Zubiri na itaas ang budget ng PDEA para sa susunod na taon na inaasahang magkakaroon ng 2.04% increase. Mula sa P1,014,236,000 pla­nong gawin itong P1,217,521,000. [source]

No comments

Powered by Blogger.