Header Ads

BREAKING NEWS: Chinese coast guard hinarang na naman ang mga mangingisdang Filipino



Muling hinarang ng Chinese coast guard ang mga mangingisdang Filipino upang hindi makapasok sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc, isang linggo matapos ianunsyo ng MalacaƱang na papayagan na sila ng China na makapangisda doon.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing hinarang ang apat na Filipino fishing boats, dinikitan, at binusenahan ng coast guard at itinaboy palayo.

Pinagpuputol din umano ng nga tauhan ng Chinese coast guard ang mga lubid ng angkla ng mga bangka ng mga Pinoy.

Gayundin, sinabi sa ulat na isang grupo ng mga mangingisdang Pinoy ang pinagbantaan ng mga Tsino at binutasan pa umano ang isa sa kanilang mga bangka.

Kinumpirma din umano ng isa sa mga kapitan ng mga bangkang-pangisda na dumarami na ang mga Chinese fishing boat sa shoal, dagdag ng ulat.

Noong Setyembre 2, ipinahayag ng MalacaƱang na: "Pinoy fishermen can test the waters" sa Panatag Shoal, matapos magparamdam si Chinese Ambassador Zhao Jianhua na bukas ang China sa pag-uusap tungkol sa pangingisda doon.

Nagpahayag ang Palasyo pagkatapos ng National Heroes Day ceremonies sa Libingan ng mga Bayani, kung saan sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Zhao na hinihiling niya sa China na ituring ang mga Filipino bilang mga kapatid ng mga Tsino.

The Hague ruling

Kinatigan ng international tribunal, na nakabase sa The Hague, The Netherlands, ang reklamo ng Pilipinas laban sa labi-labis na pag-aangkin ng China sa mga bahagi ng karagatan na itinuturing ng Pilipinas na West Philipine Sea.
Sa desisyon ng arbitral court na ibinaba noong Hulyo 12, sinabing ang Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc) ay napapaloob sa 12-nautical-mile territorial sea, na isang "common fishing ground" para sa mga Tsino at mga Filipino.

Ngunit, hindi na pinapayagan ng Chinese coast guard ang mga Filipinong mangingisda na makapagsok sa shoal mula pa noong 2013.

Maaga nitong Setyembre, pinagtibay ng Supreme Court ng China ang batas na magpapakulong sa mga dayuhang mangingisda na papasok sa kanilang karagatan.

Matatandaang sinabi ni Presidential spokesman Ernie Abella sa mga Filipinong mangingisda na, "proceed with caution" kung nais ninyong mangisda sa Bajo de Masinloc.

No comments

Powered by Blogger.